Biyernes, Marso 18, 2011

SATANAS -Morning Star Prince of Earth

How, Why, and When, Did Satan fall from Heaven?
Why did Satan Think He could Defeat GOD?

ISAIAS 14:12-15

"O Maningning na Bituin sa umaga, anak ng Bukang Liwayway! Bumagsak ka rin sa lupa, at nahulog mula sa langit. Ikaw na nagpasuko sa mga bansa! Hindi ba't sinabi mo sa iyong sarili? 'Aakyat ako sa langit; at sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos, ilalagay ko ang aking trono. Uupo ako sa ibabaw ng bundok na tagpuan ng mga diyos sa malayong hilaga. Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap, papantayan ko ang Kataas-taasan. Ngunit anong nangyari at nahulog ka sa daigdig ng mga patay? Sa kalaliman walang hanggan?

EZEKIEL 28:11-19

Sinabi sa akin ni Yahweh; "Ezekiel, anak ng tao, tangisan mo ang sasapitin ng hari ng Tiro. Sabihin mong ito ang ipinapasabi ko: Ikaw ay larawan ng kasakdalan. Puspos ng kaalaman. Ang ganda mo'y walang kapintasan. Tulad mo'y nasa paraiso ng Diyos, sa hardin ng Eden. Nababalot ka ng iba't ibang uri ng batong mamahalin: sardiyo, topaz at diyamanteng nagniningning, berilo, onise at jasper na walang kahambing; safiro, esmeralda at karbungko. Ginto ang iyong enggasto. At ang pagkaukit dito ay inihanda noong una pa, nang isilang ka sa mundo. Kerubin ang itinalaga kong magbabantay sa iyo. Nasa ituktok ka ng aking banal na bundok. Ang nilalakaran mo'y mga batong kumikinang. Wala kang kapintasan mula pa nang isilang hanggang sa maisipan mong mamuhay sa kasamaan. Nang lumakas ang kalakal mo, natuto kang sumuway at namuhay sa kasalanan. Kaya, ipinagtabuyan ka mua sa aking banal na bundok. Pinalayas ka ng kerubin sa kinatatayuan mong mga batong kumikinang. Naging palalo ka dahil sa iyong kagandahan. Ginamit mo sa kasamaan ang iyong karunungan para mapatatag ang iyong katayuan. Kaya ibinagsak kita sa lupa upang maging babala sa ibang mga bansa. Dahil sa masamanag pamamaraaan ng iyong pangangalakal, nasalaula ang Templo at nadumihan. Kaya ipinatupok kita sa apoy. Nilamon ka nga nito at nakita ng lahat na ikaw ay naging abo. Katapusan mo na. Mawawala ka na nang lubusan. Lahat ng bansang nakakakilala sa iyo ay takot na takot na matulad sila sa iyong sinapit."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento