Biyernes, Marso 18, 2011

ANG PAGSAKOP NG MGA KAHARIAN

GOLD ----BABYLON --Nabucadnezar
Silver-----Bansang Iran - Sadam Husein
Bronze---Bansang Greece --Alexander the Great
Iron------Roman Impire - Dakilang Herodes

DANIEL 2:38-45

Niloob ng Diyos na masakop ninyo ang lahat ng tao, hayop, at ibon sa lahat ng dako. Kayo ang ulong gintong iyon. Ang susunod sa inyo ay ang ikalawang kaharian na mas mahina kaysa inyo.Pagkatapos, lilitaw ang pangatlong kaharian na isinasagisag ng tanso, at sasakupin nito ang buong daigdig. Ang pang-apat na kaharian ay sintigas ng bakal, Katulad ng nagagawa ng bakal, dudurugin ng kahariang ito ang buong daigdig. Ang kahulugan naman ng nakita ninyong mga paa na yari sa bakal at putik ay ito: mahahati ang kaharian ngunit mananatili ang tigas ng bakal sapagkat ito'y nakahalo sa putik. Ganito naman ang kahulugan ng mga paang yari sa pinaghalong bakal at putik. May bahagi itong matibay at may bahagi namang marupok. Ang kahulugan ng pinag-samang bakal at putik ay pag-aasawa ng magkakaibang lahi; ngunit hindi ito magtatagal kung paanong hindi maaaring paghaluin ang bakal at putik. Sa panahon ng mga haring iyon, ang Diyos sa kalangitan ay magtatatag ng isang kahariang hindi maibabagsak kailanman, ni masasakop ninuman. Dudurugin nito at ganap na wawasakin ang iba pang kaharian, at mananatili io magpakailanman. Kaya't hindi na makakabangon ang mga iyon kahit kailan. Katulad ito ng inyong nakitang tipak ng bato na dumurog sa rebultong yari sa bakal, putik, tanso, pilak, at ginto. Mahal na hari, ang manyayarisa hinaharap ay ipinapaalam na sa inyo ng dakilang Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento